Region

FULBRIGHT SCHOLARSHIP SA 2 PROPESOR NG CAVITE STATE UNIVERSITY

/ 3 November 2020

DALAWANG mahuhusay na propesor ng Cavite State University College ang nakapasa sa aplikasyon at nakatanggap ng scholarship grant mula sa Fulbright Foreign Student Program ng Bureau of Education and Cultural Affairs – United States Department of State.

Ang dalawang propesor ay sina Amyel Dale Cero at Sheryl Sierra na kapwa nagtuturo sa College of Agriculture, Food, Environment, and Natural Resources.

Ayon kay CvSU President Dr. Hernando Robles, ang naturang mga propersor-iskolar ay kukuha ng Doctor of Philosophy.

Si Cero ay may major na Environmental Science – Water and Wetland Resources sa State University of New York – College of Environmental Science and Forestry.

Si Sierra naman ay doktoradong digri sa Agronomy and Horticulture – Plant Breeding and Generics sa University of Nebraska-Lincoln.

Kapwa nagtapos sina Cero at Sierra sa University of the Philippines Los Banos. Ang una’y BS Biology (Microbiology) at MS Environmental Science, habang ang pangalawa’y BS Biology (Genetics).

Bukod dito, si Sierra’y may masteradong digri sa Crop Science and Biotechnology – Crop Molecular Breeding sa Seoul National University sa Korea.

Ang dalawa ay kasalukuyan nang nasa Amerika at ginagabayan ng Philippine-American Educational Foundation-Fulbright Commission in the Philippines, katulong ng iba pang naging alumni nito.