Region

F2F CLASSES SA MGA LUGAR NA WALANG COVID19 CASES SUPORTADO NG PARENT-TEACHER ASSOCIATION REGION IV

/ 27 September 2021

PABOR ang isang grupo ng mga magulang at guro sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso ng Covid19.

Ayon kay Lucio Borja, vice-president ng Parent-Teacher Association Region IV, wala silang pagtutol sa in-person classes.

Gayunman, iginiit ni Borja na habang wala pang gamot laban sa Covid19 sa mga bata ay hindi pa maaaring buksan ang physical classes sa mga lugar na may kaso ng Covid19.

“Habang wala pa po tayong treatment or pilot testing para rito sa mga bata ay hindi po siguro marapat na ang lugar na may cases, kahit single one po, hindi po talaga puwedeng magface-to-face,” paliwanag ni Borja.

Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pilot run ng in-person classes sa 120 paaralan na may mababang kaso ng Covid19, subalit wala pa ring listahan na inilalabas ang Department of Education sa mga eskwelahan na kasali rito.