Region

F2F CLASSES SA ISANG PAARALAN SA CAGAYAN SINUSPINDE DAHIL SA COVID19

/ 7 December 2022

SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa isang paaralan sa Gattaran, Cagayan makaraang umabot sa 145 estudyante at siyam na guro ang nakaranas ng sintomas ng Covid19.

Ang suspensiyon ay epektibo Disyembre 5.

Ayon kay Gattaran Mayor Samuel Siddayao, sabay-sabay na nakaranas ng lagnat, ubo, at pananakit ng lalamunan ang mahigit 150 indibidwal sa isang national high school.

Upang maiwasan ang pagkakahawa-hawa pansamantalang sinuspinde ang klase sa bisa ng Executive Order No. 12 mula na rin sa rekomendasyon ng Rural Health Unit ng Gattaran.

Sasailalim ang buong paaralan sa distance learning gamit ang online, modular, podcast, o radio modality habang sumasailalim ang mga estudyante at guro sa quarantine upang masiguro na rin ang kaligtasan ng lahat laban sa Covid19.

Batay sa datos ng OCTA Research, kabilang ang buong lalawigan ng Cagayan sa may naitalang mataas na ADAR o Average Daily Attack Rate ng