Region

F2F CLASSES SA ILANG LUGAR SA VISAYAS SUSPENDIDO DAHIL KAY ‘TINO’

/ 3 November 2025

SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Roxas City, Capiz ngayong Lunes at sa Martes, November 3 at 4, dahil sa Bagyong Tino.

Ang bagyo ay pumasok sa Philippine Area of Reslonsibility (PAR) alas-5:30 ng umaga, kahapon, November 2.

Batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong Lunes ang kasagsagan ng bagyo na target ang Eatern Visayas subalit malawak ang dami nito kaya malaking bahagi ng Kabisayaan ang apektado.

Dahil dito, nagpasya si Roxas City Mayor Ronnie Dadivas na suspindehin  ang pasok sa paaralan bilang precautionary measure upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at mga personnel.

Bukod sa Roxas City, may apat pang bayan sa nasabing lalawigan  ang maagang nagdeklara ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw.

Walang face-to-face classes sa mga bayan ng Pilar, Panay, Panitan, at Pontevedra.