F2F CLASSES SA 186 SCHOOLS SA DAVAO SUSPENDIDO
IPINAGPALIBAN ang limited face-to-face classes sa 186 na eskuwelahan sa Davao makaraang isailalim ang rehiyon sa Alert level 3.
Ayon kay Department of Education Regional Director Dr. Allan Faranzo, handa na sana ang naturang mga paaralan sa pagbubukas ng in-person classes noong Pebrero 7.
“Handang-handa na sana ang 186 na paaralan dito sa Davao Region para sa face-to-face na klase na dapat sana ay nagsimula noong Pebrero 7. Handa na sana ang mga ito batay sa pag-comply nila sa mga requirements at nagkaroon din ito ng consultation at endorsement. Subalit sinusunod natin ang health alert level system na kapag Alert Level 3 ay automatic na suspended ang face-to-face classes,” sabi ni Faranzo.
Ayon pa sa opisyal, nakapasa na rin ang mga ito sa School Safety Assessment Tool.
Lima sa mga ito ay sa Davao City; 23 sa Davao de Oro; apat sa Davao del Norte; 35 sa Davao del Sur; 46 sa Davao Occidental; 16 sa Davao Orientalo; anim sa Digos; 20 sa Igagcos; isa sa Mati; at lima sa Panabo City.
Agad din namang bubuksan ang in-person classes sa sandaling ibaba sa Alert level 2 ang rehiyon.
“We would also clarify that the suspension, for now, is only for the face-to-face classes but the use of other learning modalities still continues,” dagdag ni Faranzo.