ELEM TEACHERS NI RABIYA MATEO PROUD SA TRANSFORMATION NG DATING MAHIYAING ESTUDYANTE
MANALO man o matalo, isang karangalan para sa mga taga-Balasan, Iloilo, lalo na ang mga naging guro ni Rabiya Mateo, na maging kandidata siya ng Filipinas sa 69th Miss Universe.
Ngayong umaga, Mayo 17, ay kokoronahan ang 2020 Miss Universe.
Mula nang magtungo sa Florida, USA si Rabiya ay tutok na si Teacher Febe Tolentino, Grade 5 teacher ng kandidata, sa mga kaganapan sa Miss Universe.
Sinabi ni Teacher Febe na halos lahat ng naging guro ni Rabiya ay nanabik sa bawat vlog at bagong palabas sa YouTube ng dati nilang mag-aaral.
Ikinagalak din nila ang malaking pagbabago sa dating estudyante na napakamahiyain subalit ngayon ay articulate na at puno ng kumpiyansa..
Labis na ipinagmamalaki ng mga guro ni Rabiya ang kanyang performance sa Miss Universe preliminary competition.
Dagdag pa ng guro, hindi nila akalain na ang isang mahiyaing bata ay magiging kinatawan ng Filipinas sa Miss Universe.
Isang art exhibit naman ang binuo sa bayan ng Balasan bilang pagpapakita ng suporta kay Rabiya.