EDUKTV NG DEPED DAVAO DEL SUR BALIK-SERBISYO NA
BALIK-TAPING na ang production teams at teacher talents ng EdukTVDavSur, ang educational television programming service ng Department of Education Davao del Sur.
Ito ay matapos na mahigit isang buwan natigil ang taping ng grupo dahil sa Christmas break at health protocols.
Target ng grupo na makagawa ng bagong video lessons ngayong linggo na mapapanood sa Kakampi 37 TV Digos at sa DepEd Davao del Sur Classroom Facebook page simula sa Lunes.
Para sa linggong ito, isinasagawa ang taping sa Hagonoy National High School. Naging taping locations din ng EdukTVDavSur ang Division Office ng Davao del Sur at ang Guihing Central Elementary School.
Nagsimula ang produksiyon ng video lessons noong Setyembre 2020 sa ilalim ng patnubay ni Division Learning Resource Manager Christopher Felipe.
Nagsisilbing support modality ang ginagawang video lessons ng EdukTVDavSur sa ipinatutupad na Distance Learning Modality.