Region

EDUKASYON INIHAHATID NG ‘BANGKAALAMAN’ SA REMOTE AREAS

/ 15 February 2021

BUKOD sa pandemya ay malaking balakid din ang transportasyon papuntang paaralan kaya ang ilan sa mga mag-aaral ay napilitang huminto na lamang sa pag-aaral.

Kaya naman hangad ng BangKaalaman Project na mailapit sa mga kabataang nasa malalayong lugar ang access sa dekalidad at abot-kamay na edukasyon.

Sa tulong ng BangKaalaman Project, sa pangunguna ni Teacher Norhaina Sinsuat at ng Supreme Student Government ng Notre Dame Village National High School, naging posible ang pagbaybay sa agos ng nagbabagong panahon.

“Currently, I’m handling a youth organization, the Student Government Action Force, and I am handling this organization for three consecutive years. Dahil kagustuhan po naming makatulong, nag-decide po ang aking student leaders (na mag-ambagan) upang makabili ng isang bangka,” sabi ni Teacher Norhaina.

“Ginagamit namin ang BangKaalam Project para makapaglingkod sa ating mga students na nangangailangan ng tulong. Nakakapag-help po ang aming BangKaalaman Project to increase the enrollment of our school. Pero naging madali po ang pag-i-implement ng project namin sa tulong ng aming supportive principal at saka ng Schools Division Superintendent namin and then sa tulong na rin ng aming teachers and parents,” dagdag pa niya.

Bukod sa mobile enrollment, nakapagsagawa na rin ng ilang educational materials si Teacher Norhaina kasama ang volunteers. Sila ay nagbabahagi rin at nagpapaalaala ng health protocols sa paghahatid ng modules sa mga bata at nangungumusta sa mga bahay-bahay.

“Unang-una sa aming future plans is we are initiating to implement our activity Mindanao-wide. Marami kaming area dito sa Cotabato na same case, kaya po we are planning to purchase more boats para hindi lamang sa beneficiary magbe-benefit kundi makakapag-donate din po kami sa ibang area,” sabi ni Teacher Norhaina.

Naisipan din ng grupo na magpagawa ng bamboo daungan upang maging mas madali ang pagbisita sa mga komunidad. Ang bamboo daungan na ito ay maaari na ring gawing place of learning ng mga kabataan.