Region

EDUCATION AID PAYOUT SA 286 STUDES SA CAVITE ORGANISADO

/ 28 August 2022

MATAGUMPAY ang ikalawang pamamahagi ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development sa halos 300 estudyante sa Imus, Cavite.

Ginawa ang distribusyon ng DSWD Field OFfice IV-A sa Poblacion 4B Imus Sports Complex, Cavite City.

Maayos na nagsimula ang assessment at payout na naka-schedule kahapon sa pangunguna nina Assistant Secretary Atty. Janus Siddayao, DSWD 4 Division Head Pantawid Nelibeth Mercado, Ms. Malou Esguera, Imus CSWD Head Irma Revilla at Tito Monzon, Chief of Staff ni Mayor Alex Advincula.

Bago ang pagbubukas ng pasilidad ay malinaw na inanunsiyo ng DSWD na hindi na tatanggap ng walk-in habang tanging rehistrado sa online at nakatanggap ng kumpirmasyon mula sa DSWD ang makakakuha ng educational cash aid.

SA record ng DSWD, 286 estudyante ang rehistrado kaya naman maluwag ang pasilidad at maayos ang pamamahagi.

Pinasalamatan naman ng DSWD si Imus City Mayor Alex Advincula at iba pang local executives, ang Department of the Interior and Local Government at ang Philippine National Police sa pangangasiwa sa mapayapa at ligtas na educational cash assistance payout.