Region

EARLY REGISTRATION ISINUSULONG NG DEPED ILOCOS

/ 31 March 2022

HINIKAYAT ng Department of Education Ilocos Region ang mga magulang at estudyante na magparehistro na para sa susunod na school year.

Sinabi ni DepEd Ilocos Region Public Affairs Unit head Cesar Bucsit na ang pagpaparehistro ay bilang paghahanda ng Kagawaran para sa School Year 2022-2023.

“So DepEd could anticipate the necessary preparations like the number of chairs and other needed resources for the resumption of classes for another school year,” ayon kay Bucsit.

Sinabi ni Buscit na face-to-face na ginagawa ang early registration dahil nasa Alert Level 1 na ang buong Ilocos Region.

Gayunpaman, hinikayat niya ang mga magulang na mahigpit na sundin ang health at safety protocols.

“The learners who availed of the early registration would lessen the hassle of enrolling on the actual start of classes,” dagdag pa niya.

Ang pre-registration ay para lamang sa Kindergarten, Grade 1, 7 at 11. Samantala, ang mga papasok na Grade 2 hanggang Grade 6, 8 hanggang 10, at 12 ay itinuturing na pre-registered para sa susunod na school year kaya hindi na kailangang magpatala.