Region

E-SKWELA HUBS BINUKSAN SA BOHOL

/ 25 April 2021

BINUKSAN na sa Talibon, Ubay, Jagna at Carmen sa Bohol ang E-Skwela Hubs upang makatulong sa mga estudyante at guro ng naturang mga bayan.

Ito ay sa pagtutulungan nina Bohol Governor Arthur Yap at Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong.

Ayon kay Ong, libre ang paggamit ng mga computer at printer ng mga estudyante at guro para sa distance learning.

“Puwede silang pumunta sa ating mga e-hub para gumamit ng computer at printer and internet nang libre para maka-adpat sila sa bagong sistema ng edukasyon ngayon,” sabi pa ni Ong.

“Lahat libre, wala pong bayad. Libre internet basta ‘wag lang muna mag-games, gamitin natin ito para makatulong sa ating edukasyon,” dagdag pa ng kongresista.

Sa kasalukuyan ay may 15 E-Skuwela hubs sa Manila, Baguion, Pasig, Cebu, Batangas at Cagayan De Oro.