Region

E-NUTRIBUN IPINAMAHAGI SA BULACAN

/ 11 May 2021

LABINDALAWANG enhanced nutribun ang natanggap ng bawat day care student sa Bulacan matapos mamahagi ng halos kahating milyong tinapay ang Department of Science and Technology noong Mayo 7.

Ang e-Nutribun ay ang mas pinasustansiyang tinapay na nagsimula noong dekada 70. Layon ng programa na mapanatiling malusog ang mga mag-aaral kahit na suspendido ang face-to- face feeding program sa mga paaralan dahil sa pandemya.

Bahay-bahay ang sistema ng pamamahagi. Mga boluntaryong guro at staff ang namuno rito na isinabay naman sa pamamahagi ng bagong set ng self-learning modules.

Nagpasalamat si DOST Provincial Director Angelita Parungao sa mga paaralang nakiisa.

Sinabi niya na simula pa lamang ito ng kanilang programang iwaksi ang manutrisyon.

Sa Mayo 24 ang susunod na delivery para sa mga hindi pa naaabutan ng tulong.

Para rin mapabilis ang produksiyon, ginawaran na ng DOST ng permit-to-operate ang apat na panaderyang nakasunod sa standard ng Food and Nutrition Research Institute.

Ang mga ito ay ang Loubelle Bakeshop (Guiguinto), Danrich Bakeshop (Baliwag), Ed Cuevas Bakeshop (San Jose Del Monte), at E.V. Cuevas (Santa Maria).

Sa ngayon, inaaral na ng DOST ang isa pang recipe ng nutribun na gawa sa kamote.