Region

E-LIBRARY BINUKSAN SA GMA, CAVITE

/ 23 October 2020

INILUNSAD ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion 5, General Mariano Alvarez, Cavite ang E-library bilang tugon sa distance learning.

Ang E-library ay may 13 sets ng computer na maaaring gamitin ng mga mag-aaral. Mayroon itong internet access para sa research at libreng printing.

Layunin ng SK na makatulong na maibsan ang hirap na nararanasan ng mga mag-aaral sa online learning.

Umaasa ito na mabibigyan ng kaginhawaan ang mga kabataang nag-aaral sa lugar, lalo na ang mga walang sariling gadgets.

Anim sa mga computer ay nakapuwesto sa 2nd Floor ng RHU building sa Poblacion 5 Proper, samantalang ang pito ay nasa 2nd Floor ng RHU building sa may covered court.

Magpapalabas sila ng mga alituntunin sa paggamit ng naturang E-Library upang mapanatiling ligtas sa Covid19.