DONATION DRIVE PARA SA PDLs NA NASA ALS INILUNSAD
NAGLUNSAD ng donation drive ang Bureau of Jail Management and Penology Region XII para sa mga inmate na nag-aaral ng alternative education sa loob ng piitan.
Ang ‘Book Donation Drive for Persons Deprived of Liberty’ ay naglalayong makakolekta ng mga libro na maaaring magamit ng mga PDL na sumasailalim sa Alternative Learning System sa loob ng kulungan.
Sa tulong ng sangay ng edukasyon sa North Cotabato, sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Isagani Dela Cruz, CESO V, at sa pamamagitan ni Schools Division Office Cotabato ALS Coordinator Sir Julie Lumogdang, nakapag-donate ng learning materials at libro sa naturang pasilidad.
Ang ALS ay isang second-chance education program ng Department of Education para sa mga out of school youth at adult, kasama ang mga PDL na hindi marunong magbasa at magsulat pati na rin yaong mga gustong makapagtapos ng pag-aaral habang sila’y nakakulong.
Bahagi rin ng reformation program ng Bureau of Corrections ang tulungan ang mga PDL na magkaroon ng edukasyon.
Inaasahan na sa pamamagitan ng alternative learning program ay matutulungan ang mga mag-aaral na ma-develop ang kanilang basic at functional literacy, life skills at ituloy ang katumbas na landas para makumpleto ang basic education.