Region

DEPED-RIZAL HANDA NA SA F2F CLASSES

/ 13 February 2022

HANDANG-HANDA na ang Department of Education sa lalawigan ng Rizal para sa implementasyon ng limited face-to-face classes sa probinsya.

Anim na eskuwelahan mula sa bayan ng Binangonan ang bubuksan para sa expanded limited face-to-face classes, ayon sa DepEd-Rizal.

Pitong paaralan naman mula sa mga bayan ng Cainta, Baras, at Tanay ang pinayagang lumahok sa in-person classes.

May mga eskuwelahan mula sa mga bayan ng Cardona, Jalajala, Rodriguez at Morong ang muling magpapatupad ng face-to-face classes.

Sa bayan ng Rodriguez (Montalban), ang Macabud National High School lamang ang napabilang sa opisyal na listahan ng mga eskuwelahan na papayagang magsagawa ng limited face-to-face classes.

Nagsagawa na rin ng simulation activity ang ilang paaralan sa lalawigan upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng limited in-person classes sa lalawigan.