Region

DEPED REGION XI 80% NANG HANDA SA PAGBUBUKAS NG KLASE

/ 18 September 2020

TINATAYANG 80 percent na ang kahandaan ng Department of Education Region XI para sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Sa report ng DepEd Region XI, umabot na sa 93 percent o 1,198,064 ang kabuuang bilang ng mga enrollee sa rehiyon, kung saan 1,107,291 ang sa pampublikong eskuwelahan at 90,773 sa pribado mula kindergarten hanggang senior high school.

Habang ang printing status nito ay nasa 46 percent, ang training status ng mga guro ay 98% na, ang radyo at telebisyon na gagamitin sa distance learning ay nasa 80 percent, ang online learning ay 58 percent, training o orientation sa mga magulang ay nasa 93 percent at ang kahandaan para sa health and safety protocols ay nasa 90 percent.

Samantala, ang 11 school division offices ay nasa ‘advanced level’ na pagdating sa kahandaan para sa pagbubukas ng klase.

Bagaman patuloy ang preparasyon, hindi maipagkakaila na isang malaking hamon pa rin ang mahinang internet connection sa ibang lugar ng Region XI para sa online learning.

Sinabi naman ni DepEd Regional Director Evelyn Fetalvero na patuloy ang webinars at trainings para sa mga guro sa kanilang psychosocial support at wellness.