Region

DEPED REGION 3 TULOY PA RIN SA FEEDING PROGRAMS

/ 14 December 2020

WALANG humpay ang pagsasagawa ng feeding programs sa Gitnang Luzon para sa mga mag- aaral, ayon kay Deped Region 3 Medical Officer Gladys Lourdes Bengco.

Nitong nakaraang linggo lamang ay pumalo na sa 300,818 Grades 1-6 students mula sa 20 Schools Division Offices ang kanilang matagumpay na napakain.

Bukod pa ito sa 154,297 mag-aaral na benepisyaryo ng DepEd Milk Feeding Program sa pakikiisa ng Department of Agriculture – National Dairy Authority at Philippine Carabao Center.

Target ng feeding programs na mapababa ang kaso ng malnutrisyon sa rehiyon, lalo pa’t maraming mga mag-aaral sa elementarya ang kinategorisang mayroong ‘wasted’ at ‘severely wasted’ health conditions.

Ngayong panahon ng pandemya, dahil imposibleng tumungo sa paaralan ang mga bata para kumain, ang DepEd mismo ang nagrarasyon ng mga masustansiyang pagkain sa kani-kaniyang bahay.

May ilang magulang naman na ninais na personal na kunin ang suplay ng pagkain, lalo pa kung sila’y naninirahan sa paaralang ineenrolan ng kanilang mga anak.

“Despite the pandemic, the DepEd School Health and Nutrition Program continuously advocates healthy habits to our learners even at the confines of their homes. The School-Based Feeding Program  and Distribution of Learners’ Hygiene Kits is one step towards good health producing better learning,” sabi ni Bengco.

Dagdag niya, “The nutritious food products being distributed to the learners are based on a localized one-month cycle menu and a regional food supply map developed by the Regional SBFP Focal Person to ensure that these are healthy and nutritious for the target beneficiaries.”