Region

DEPED NEGROS ORIENTAL NAGSUSPINDE NG KLASE

/ 23 January 2022

SINUSPINDE ng Department of Education Negros Oriental ang klase mula Enero 24 hanggang 31 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid19.

Ayon kay Dr. Salustiano Jimenez, DepEd regional director ng Central Visayas, kabilang din ang Bohol at Cebu sa mga lugar na kanselado ang klase.

“I issued that memorandum on Thursday to cover all provinces that are under Alert Level 3, with the exception of Siquijor, because Covid19 cases are increasing and with the threat of the Omicron variant, the numbers are expected to go up,” ayon kay Jimenez.

Tanging ang Siquijor sa Region 7 ang nasa ilalim ng Alert level 2.

Sinabi ni Jimenez na ang pagkansela ng klase ay para na rin makarekober ang mga estudyante, guro, at personnel matapos ang pinsala ng bagyong Odette.

Samantala, maaari namang gumawa ng sariling desisyon ang mga pribadong eskwelahan kaugnay sa suspensiyon ng klase.