Region

DEPED-CEBU MAY ONLINE PSYCHOLOGICAL, PSYCHOSOCIAL SUPPORT SA MGA MAG-AARAL, GURO

/ 7 December 2020

NAKATAKDANG ilunsad ng Department of Education-Cebu ang isang programang mangangalaga hindi lamang sa pisikal na kalusugan ng mga mag-aaral at guro, kundi pati na rin sa kanilang kaisipan upang labanan ang Covid19.

Layon ng programa na makapagbigay ng online psychological at psychosocial support para sa mga learner, teacher at iba pang personnel ng DepEd Cebu Province.

Kamakailan lamang ay nagdaos ng isang pormal na training para rito upang  higit na mahasa ang kakayahan ng mga guidance counselor, teacher-adviser, student leader at school nurse sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan ng mental at psychosocial intervention.

“For now, we will be catering to students and personnel (both teaching and non-teaching) from public and private schools under DepEd Cebu Province,” sabi ni Atty. Orville Dela Cerna, Legal Officer ng DepEd Cebu Province.

“However, we plan to train more people to provide the service, so hopefully we may cater to other students and personnel from other divisions and regions,” dagdag pa ni Dela Cerna.

Sa panahon kung kailan ang lahat ay naapektuhan nang husto ng Covid19 pandemic, kailangang magtulungan upang palakasin ang katawan at isipan ng bawat isa para makayanan ang lahat ng pagsubok nang sa gayon, kapag bumalik na ang lahat sa normal ay sama-sama itong matutunghayan.