Region

DEPED-7 TINIYAK ANG PATULOY NA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA GITNA NG KALAMIDAD

/ 27 January 2023

TINIYAK ng Cebu City School Division na tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng mga suspensiyon ng klase dahil sa masamang panahon.

Sinabi ni Cebu City School Division education program supervisor Marlene Padigos na nakagawa sila ng mga module para sa kanilang mga mag-aaral na magagamit para makahabol sa kanilang mga lesson kahit na suspendido ang klase dahil sa bagyo at iba pang kalamidad at sa mga kaso ng kultural na kaganapan.

“Our best practice is that even what calamity we experienced, we can still continue teaching our students in all levels through the modules we prepared,” ani Padigos.

Dagdag niya, kahit na sa panahon ng Sinulog kung saan kailangang suspendihin ang mga klase upang bigyang-daan ang mga aktibidad, patuloy pa rin ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

Umaasa si Padigos na susuportahan sila ng local government unit sa pagkuha ng mga device na magagamit ng mga mag-aaral upang ma-access ang digitized modules.