DEPED-13 HANDA SA PILOT F2F CLASSES
NAKAHANDA ang Department of Education-Caraga sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa oras na payagan na ito ni Pangulong Rodgrigo Duterte.
Sa katunayan, sinabi ni Lorenzo Macasocol ng DepEd Caraga na may 400 paaralan sa rehiyon na maaaring magsagawa ng in-person classes.
“Caraga Region is among the four regions na pinayagan ng DepEd Central Office na mag-open ng at least 50 schools for the face-to-face pilot implementation. We are now just waiting for the approval of the president,” pahayag ni Macasocol.
Dagdag pa niya, kinokonsidera ito ng DepEd Caraga dahil na rin sa panawagan ng mga magulang na magkaroon ng physical classes ang mga estudyante.
Samantala, aabot sa halos 9,000 ang bilang ng mga DepEd personnel sa rehiyon na fully vaccinated na kontra Covid19.
“If you track now, Caraga Region is number two among the regions in the highest number of registered vaccinated personnel in the entire DepEd,” sabi ni Macasocol.