Region

DAY 1 NG PNPA CADET ADMISSION TEST TAGUMPAY

/ 8 March 2021

MATAGUMPAY na naidaos ng Philippine National Police Academy ang unang araw ng cadet admission test sa inilaan nilang 34 testing centers sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

Sa panayam ng The POST, sinabi ni PNPA Public Information Office Chief, Maj. Louie Gonzaga na naging maayos ang pagkuha ng pagsusulit ng libong aplikante para maging kadete ng nasabing police state university sa Camp Castaneda, Silang, Cavite.

Ayon kay Gonzaga, isang araw pa lamang ang natatapos kaya patuloy ang kanilang consolidation sa mga kumuha ng pagsusulit.

Mas mataas din, aniya, ang turnout ng mga examinee sa Day 1 na nasa 80 porsiyento kumpara sa yearly average na 77 porsiyento.

“Right now, we are still consolidating the figures coming from all 34 testing centers, the turnout for this year, Day 1 at around 80 percent, higher than the yearly average of 77 percent,” sabi ni Gonzaga.

Umaasa ang buong PNPA, sa pamumuno ng kanilang director na si Maj. Gen. Rhoderick Armamento, na ang Day 2 o ngayong araw, Marso 8, ay magiging matagumpay din.

“Day 1 is very successful and we will make sure Day 2 will be, too,” dagdag pa ni Gonzaga.

Nauna nang sinabi ni Armamento na mas mataas ng 14 porsiyento ang nag-apply online ngayong taon para sa PNPCAT na nasa 26,000 kumpara sa 22,000 lamang noong nakaraang taon.