Region

COMPUTER, TV SETS IPINAMAHAGI SA MGA PAARALAN SA DAVAO DEL SUR

/ 31 December 2020

PINANGUNAHAN ni Davao del  Sur Vice Governor Marc Cagas ang pamamahagi ng computer desktops at television sets sa tatlong pampublikong paaralan sa probinsiya noong Disyembre 28.

Ang mga paaralang nabigyan ng gadgets para sa distance learning at online classes ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya ay ang Colorado Elementary School, Libertad National High School, at Soong National High School.

Ang CES ay nakatanggap ng apat na sets ng 40-inch Smart TV with LED Screens na nagkakahalagang P99,980.

Computer printer with scanner naman na nagkakahalagang P9,995 ang natanggap ng LNHS, gayundin ng SNHS.

Bukod sa tatlo’y ‘di nakalimutan ni Cagas ang pangangailangan ng Bureau of Jail Management and Penology sa lungsod ng Digos sapagkat namigay rin siya rito ng mga computer desktop at printer na nagkakahalagang P49,995.

Mayroon pang P49,995 na halaga ng computer desktop with printer and table na ipinamahagi sa Barangay New Katipunan.

Kasama ni Cagas sa turnover ceremony ang ama niyang si Governor Douglas Cagas at ang Second District Board Member na si Carmelo Delos Cientos III.