COLLEGE STUDENT NALULONG SA ONLINE GAMBLING, NAG-SUICIDE
DAHIL sa konsensiya na hindi mabayaran ang utang sa mga kaklase at kaibigan, isang 22-anyos na college student ang nagpakamatay sa La Trinididad, Benguet.
Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng binata nitong Agosto 8 ng umaga sa Brgy. Alapang.
Nag-iwan umano ito ng liham na malaki ang talo sa online game at hindi na kayang bayaran ang utang sa mga kaklase at kaibigan.
Inamin din sa suicide note na “addicted” o nagumon siya sa pagsusugal at hindi na niya ito makontrol pa.
Sa salaysay ng kanyang pinsan, kapansin-pansin na balisa ang biktima noong Agosto 7, isang araw bago natagpuan ang kanyang bangkay.
Para naman sa media guidelines at hindi na tularan, minabuti na hindi na banggitin ang paraan ng pagpapatiwakal ng estudyante.