Region

CALACA LGU NAMAHAGI NG HYGIENE KIT SA MGA MAG-AARAL

/ 31 March 2022

UPANG masiguro ang kaligtasan ng mga batang lalahok sa limited face-to-face classes, muling namahagi ng hygiene kit ang lokal na pamahalaan ng Calaca sa mga mag-aaral ng Timbain Elementary School at Pedro A. Paterno Elementary at High School.

Halos dalawang libong mag-aaral sa bayan ang nabigyan ng libreng hygiene kit mula sa lokal na pamahalaan.

Kabilang dito ang 117 mag-aaral ng Timbain Elementary School at 1,629 estudyante ng Pedro A. Paterno Elementary at High School.

Layunin ng nasabing proyekto na mabigyan ng proteksiyon ang mga mag-aaral sa nalalapit na paglulunsad ng face-to-face classes.

Sa pamamagitan nito, umaasa ang pamahalaang bayan na maiibsan ang pag-aaalinlangan ng mga residente sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa kanilang bayan.

Tiniyak din ng lokal na pamahalaan na patuloy ang kanilang mga programa tulad ng Covid19 vaccination at pagpapatupad ng mga health protocol upang masigurong ligtas ang kanilang mga kababayan mula sa banta ng mga sakit tulad ng Covid19.