Region

CAINTA NAGHAHANDA NA PARA SA F2F CLASSES

/ 21 November 2021

INAAYOS na ng lokal na pamahalaan ng Cainta sa lalawigan ng Rizal ang mga sirang pasilidad sa mga pampublikong paaralan bilang paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes sa susunod na taon.

“Mayroon akong limang eskuwelahan na pinaayos ngayon para ‘pag mag-face-to-face classes na ulit,  maayos ang babalikan ng mga estudyante natin,” sabi ni Mayor Kit Nieto.

Dagdag pa ng alklade na pinaayos na rin niya ang sirang quadrangle sa Karangalan Elementary School sa Barangay San Isidro.

“Tuloy-tuloy lang po tayo sa pag-aayos ng mga sirang pasilidad sa mga eskuwelahan natin,” ani Nieto.

Sinimulan na noong Lunes, Nobyembre 15, ang pilot implementation ng limited face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan, habang sa Nobyembre 22 naman magsisimula ang sa private schools.

Sinabi kamakailan ng Department of Education na kanilang dadagdagan ang bilang ng mga eskuwelahan na magsasagawa ng pilot run ng in-person classes sa susunod na taon.