CAINTA LGU MAGLALAGAY NG DRINKING STATIONS SA PUBLIC SCHOOLS
SINABI ni dating Cainta mayor at ngayo’y municipal administrator Kit Nieto na kanilang palalagyan ng mga water drinking station ang lahat ng mga pampublikong paaralan ng bayan.
“Gusto kong ibalik ‘yung mga cold water drinking stations sa mga eskwelahan. Ganun kasi ako lumaki.. libre malamig na tubig sa schools,” wika ni Nieto sa kanyang Facebook post.
Ayon sa dating alkalde, ipinatawag nya ang MWC para pakiusapan na kung maaari ay isponsoran nila ‘yung mga drinking stations.
“Pumayag naman. Unang magkakaroon ‘yung high school natin sa ROTC Hunters Avenue ️tapos isusunod ko na ‘yung mga ibang schools,” ani Nieto.
Samantala, pinaayos na rin ng lokal na pamahalaan ang auditorium ng Marick Elementary School bilang paghahanda sa papalapit na face-to-face classes.
“Pauwi, dinaanan ko ang Marick Elem para tingnan ‘yung auditorium na pinagawa natin. Next week, ipapa-aircon ko na para magamit na ng mga bata,” ani Nieto.
“Check ninyo rin ‘yung wash areas nila. Nahingi natin sa MWC nang libre,” dagdag pa ng dating alkalde.
Ang misis nya na si Atty. Elen Nieto ang kasalukuyang alklade ng Cainta. Katatapos lamang ng pangatlo at panghuling termino ni Mayor Kit.