Region

BIYUDA, ANAK NA MAY KAPANSANAN IPINAGPATAYO NG BAHAY NG TESDA TRAINEES

/ 3 September 2021

SA SELEBRASYON ng ika-27 taon ng Technical Education and Skills Development Authority, tampok ang pagtulong ng kanilang trainees sa isang 74-anyos na biyuda at anak nitong may kapansanan sa Passi, Iloilo City.

Sinabi ni TESDA information officer Ma. Leonora Estanque na nagdesisyon ang mga trainee ng iba’t ibang kurso na pangmatagalang tulong ang ipagkaloob aa mag-inang Elvira Pama at Richard ng Barangay Buenavista dahil sa kondisyon ng mga ito.

Sa ilalim ng Kalinga Project ng TESDAmayan ay ipinagpagawa ng bahay ang mag-ina kung saan nagkaroon ng payak na paggawad noong Agosto 27, araw mismo ng selebrasyon para sa anibersayon ng institusyon.

Ang pagpili sa benepisyaryo ng TESDAmayan ay mula sa Passi Trade School na TESDA Administered School na siyang nagbigay ng mga materyales para sa pagtatayo ng bahay ng mag-ina.

“PTS chose the recipients from among the city’s indigent population,” ayon kay Estanque.

Ang mga nagtulong-tulong sa konstruksiyon ay ang trainees ng Carpentry National Competency C II, Shielded Metal Arc Welding NC I, Electrical Installation and Maintenance NC II, Organic Agriculture Crops Production NC I and NC II, Cookery NC II, at Bread and Pastry Production NC II.

Katuwang nila ang 552nd Engineering Construction Battalion at 53rd Engineering Brigade ng Philippine Army at Technical Operations Group 6 ng Philippine Air Force.

“It was a collaboration of skills under the Training Cum Production participated by our trainees,” dagdag pa ni Estanque.