BEST PNPA CADETS KINILALA
PINANGUNAHAN ni Philippine National Police Chief, Gen. Debold Sinas bilang guest of honor ang turnover rites ng 2021 graduating class ng PNP Academy sa incoming 1stClass Cadets noong Abril 17, 2021 sa Camp Castaneda, Silang, Cavite.
Mainit na tinanggap nina PNPA Director. Maj. Gen. Rhoderick Armamento, kasama ang Command Group ng akademya, Commandant of Cadets, Dean of Academics, Officers, Non-Commissioned Officers at ang Cadet Corps si Sinas na personal na naggawad ng parangal sa mga mahuhusay o tinaguriang ‘Best Best’ na kadete na kabilang sa Hinirang Class of 2021.
Si Sinas mismo ang nagbigay ng parangal sa mahuhusay na Company at nag-abot ng ‘Cups’.
Ang Bravo Company ang nakasungkit sa Commandant’s Cup dahil pinakakaunti ang demerits habang highest grades sa Tactics sa lahat ng apat na classes; ang Foxtrot Company ang nakakuha ng Dean’s Cup nang makamit ang aggregated highest grades sa lahat ng academic subjects; ang Best Marching Company ay iginawad sa Charlie Company; habang ang Echo Company ang nakakuha ng Athletics’ Cup; at si JCDT Kenneth L Cotton ang itinanghal na 2021 Servant-Leadership awardee.
Kasunod nito ang Turn Over Command ceremony kung saan ang kapangyarihan ng graduating class na Hinirang ay isinalin na sa kanilang underclass na ALAB-KALIS Class of 2022.
Ang pagsasalin ng kapangyarihan ay tradisyon sa police state university na nangangahulugan ng formal transfer of duties, authorities and responsibilities.
Ito ay sa pammagitan ng pagsasalin ng Saber na sagisag ng kapangyarihan at liderato.
“I am elated to this year’s Best Best Awardees and challenged all of you to sustain notable performances,” bahagi ng mensahe ng PNP chief kasabay ng pagpapasalamat sa graduating class na nagpunyagi para pangunahan ang kanilang underclassmen upang makamit ang kahusayan kahit pa na naharap sa mapaghamong sitwasyon bunsod ng Covid19 pandemic.
Pinuri rin ni Sinas ang maayos na liderato ni Armamento na nagdiin ng best practices sa akademya.
Samantala, itinakda ang pagtatapos ng PNPA Hinirang Class of 2021 sa Abril 21, 2021.