Region

BARMM TEACHERS SUMAILALIM SA TRAINING PARA SA ELEKSIYON

/ 15 April 2022

MAHIGIT 9,100 public school teachers sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang sumailalim sa isang buwang training para maging Electoral Board Members sa May 9 polls.

Ayon kay Aida Silongan ng Ministry of Science and Technology, ang Electoral Board Certification Program ay naglalayong matiyak na ang mga EBM ay “may kakayahang pangasiwaan ang pagboto.”

Sinabi ni Silongan na ang training ay isinagawa sa pagtutulungan ng Department of Science and Technology at ng MoST.

Kasama ng DOST ang 17 regional offices nito sa buong bansa sa pagsasagawa ng EBM certification program alinsunod sa Automated Election System ng bansa.

Ang AES ay nangangailangan ng hindi bababa sa isang miyembro ng Board of Election Inspectors na may kakayahan sa technology information  at sinanay o sinertipikahan ng DOST na gumamit ng digital voting system.

Sinabi pa ni Silongan na ang kanyang tanggapan ay nagsagawa ng electoral board practical o hands-on examinations para masangkapan ang mga guro sa pakikipagtulungan sa Commission on Elections at Ministry of Basic, Higher and Technical Education.