Region

BARMM EDUCATION SUMMIT PARA SA KAPAYAPAAN, KAUNLARAN SA MINDANAO

/ 9 December 2022

INAASAHANG positibo ang resulta ng isinagawang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Education Summit sa Davao City kahapon, Disyembre 8.

Ang nasabing malawakang pulong ng mga ministro, local educational institutions at educators sa BARMM ay kauna-unahang education summit sa Mindanao.

Layunin nitong talakayin ang mga paraan upang magamit ang edukasyon bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

Pinasinayaan ito ni Ministry of Basic, Higher, and Technical EducationChief Mohager Iqbal at ng iba pang ministro.

Sa kanya namang video message, umaasa si BARMM Chief Ahod Ebrahimna na ang unang Education Summit ay magiging isang mahalagang paraan upang muling itaguyod ang bansa.