Region

BAHA SA ISKUL SA BULACAN HUMUHUPA NA — DEPED

/ 1 September 2023

NAGSIMULA nang humupa ang tubig-baha sa isang paaralan sa lalawigan ng Bulacan ilang araw matapos ang pagbubukas ng klase, ayon sa isang opisyal ng Department of Education.

Napilitan ang Doña Damiana De Leon Macam Memorial Elementary School sa bayan ng Calumpit na magpatupad ng apat na shift sa pagbubukas ng klase dahil sa mga binahang silid-aralan.

Upang makabawi sa mas maikling oras ng klase, pinauuwi sa nga estudyante ang kanilang mga module.

Sinabi ni Ma. Sinabi ni Lourdes Patag, senior education program specialist ng DepEd, na base sa kanilang pinakahuling tala, sa 17 classrooms na binaha, 10 ang wala nang baha.

“Since that school is situated in a low-lying area, so napakabagal po ng pagbaba ng tubig. Nasasabayan pa ng high tide,” ani Patag.

“Since ‘yung nangyayari dito sa Calumpit is a natural calamity, ‘yun naman pong high tide is not all day. It takes only a few hours and then afterwards magsu-subside na rin po ‘yung water. Pag nag-subside na ‘yung water may schedule kung kailan papasok ‘yung mga learners,” aniya pa.