Region

BAGONG SCHOOL BUILDING SA ANTIPOLO PINASINAYAAN

/ 7 March 2022

PINANGUNAHAN ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares ang inagurasyon at blessing ng bagong tayong 4-storey, 12 classroom sa Cupang National High School sa nasabing lungsod.

Ayon sa alkalde, puspusan na ang kanilang paghahanda para sa full implementation ng in-person classes.

“Gusto natin na maging mas komportable kayo sa ating pangalawang tahanan. Kaya kahit walang face-to-face last year, tuloy lang ang pagtatayo ng mga school building,” ani Ynares.

Dumalo sa inagurasyon sina Konsehal Bobot Marquez at Dr. Christopher Diaz ng Department of Education.

“Nakaka-excite pumasok, ‘di ba?” sabi pa ni Ynares.

Samantala, hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga mag-aaral na palaging maghugas ng kamay upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng Covid19.

“Ugaliing gamitin ang mga wash facility structures na itinayo sa ating mga paaralan tulad ng bagong gawa sa Upper Kilingan (bundok) Elementary School, Barangay San Jose,” anang alkalde.