Region

BAGONG GUSALI NG ONE CAINTA COLLEGE ITATAYO

/ 16 June 2023

PLANO ng lokal na pamahalaan ng Cainta, Rizal na palawakin ang LGU-run One Cainta College sa pag-aalok ng mga karagdagang kurso sa mga residenteng mag-aaral dito.

“Nag-usap nga kami ni Elen (Mayor Elen Nieto)…gusto niyang damihan ang mga kursong bubuksan sa kolehiyo natin,” sabi ni municipal administrator Keith Nieto.

“Nagpapahanap siya ng malaking lupa kung saan itatayo ang panibagong gusali ng One Cainta College,” dagdag pa ng dating alkalde.

Ang One Cainta College ang kauna-unahang LGU-run higher education institution sa bayan ng Cainta na itinayo noong mayor pa si Keith Nieto noong 2017.

Matatagpuan sa Hunter’s ROTC Avenue sa Barangay San Juan, ang nasabing kolehiyo ay nag-aalok ng kurso sa Diploma in Information and Communication Technology, Diploma in Office Management Technology, Bookkeeping NC III, Bachelor in Technical Vocational Teacher Education, Bachelor of Science in Entrepreneurship, at Bachelor of Science in Information Systems.

“Sino ba mag-aakala na darating ang araw na magkakaroon ng isang kolehiyo sa Cainta na patatakbuhin ng munisipyo natin at magpapaaral ng mga estudyante na walang anumang babayaran,” ani Nieto.