Region

BAGONG CAMPUS NG PISAY ITATAYO SA TARLAC

/ 23 September 2021

INANUNSIYO ng Bases Conversion and Development Authority ang pagtatayo ng sangay ng Philippine Science High School sa New Clark City, Tarlac.

Aabot sa 4.6 ektaryang lupain ang pagtatayuan ng campus na tatawaging “Infinitum” na magagamit ng senior high school students. itatayo rin dito ang resource center para sa mga guro at propesyonal.

Kumpiyansa si BCDA president and chief executive officer Vince Dizon na ang pagtatayo ng bagong PSHS campus ay makapag-aambag sa pagsulong at kasanayan ng mga guro at future science and technology professionals ng bansa.

Ang bagong campus ang inaasahang pupuno sa modernization efforts ng PSHS para maitatag ang state-of-the-art facilities, advanced laboratories, academic spaces, training venues at living quarters.

“It seeks not only to spur immersive learning for students, but also to continue the development of teaching and non-teaching employees,” ayon kay Dizon.