ANTI-ILLEGAL DRUG PROGRAM IKINASA SA PNPA
KASABAY ng selebrasyon ng ika-29 Philippine National Police Ethics Day ay pinangunahan ni Interior Secretary Benhur Abalos, bilang guest speaker, ang ‘Buhay Ingatan, Droga ay Iwasan Program’ sa PNP Academy sa Camp Castaneda, Silang, Cavite kahapon.
Bukod sa Kalihim, panauhing pandangal din ng police state university sina Cavite 5th District Rep. Atty. Roy M. Loyola; Silang Mayor Alston Anarna; actor/director Cesar Montano; mga kinatawan mula sa religious groups; parents; miyembro ng academia at iba pang supporters.
Malugod silang tinanggap nI PNPA Director, Maj. General Eric Noble.
Ayon kay Noble, ang #BIDA program ay isang pinaigting na anti-illegal drug campaign na naglalayong maalis ang paggamit ng droga lalo na ng kabataan.
Katuwang sa programa ang Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation, at iba pang government agencies.
Sa kanyang talumpati, hinimok ni Abalos ang mga kadete na umiwas sa droga at iba pang bisyo, maging selfless leaders, at taglayin ang culture of professionalsm at pagpapahalaga na itinuturo ng akademya dahil sila ang mga susunod na lider sa PNP.
“The cadets will soon be the authority of the government in maintaining orderliness in the community. So, as early as now, they (cadets) should practice excellence and competence in all of their actions,” ayon kay Abalos.