9 ISKUL NAPINSALA NG LINDOL SA CAMARINES NORTE
SIYAM na eskuwelahan sa Vinzons, Camarines Norte ang napinsala ng magnitude 5.3 na lindol na naramdaman din sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas noong Miyerkoles.
SIYAM na eskuwelahan sa Vinzons, Camarines Norte ang napinsala ng magnitude 5.3 na lindol na naramdaman din sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas noong Miyerkoles.
Sinabi ni Vinzons disaster management chief Fely Bardon na nagtamo ng maliliit na bitak ang mga gusali ng pitong pampublikong elementarya at dalawang pampublikong hayskul sa lalawigan.
Kabilang sa mga nasirang paaralan ang Banocboc Elementary School, Mangcayo Elementary School, M. Guinto Elementary School at Matango National High School, kung saan ilang silid-aralan ang nawasak ang mga bintana.
Sinabi ng opisyal na nagsasagawa na sila ng assessment sa mga nasirang eskuwelahan.
Samantala, iniulat din na nasira ang ilang eskuwelahan sa bayan ng Mercedes.
“May mga reported sa amin, may mga nag-crack sa mga school building, iko-consolidate namin para makapagbigay kami ng report,” wika ni Councilor Jude Hernandez.
“Walang masyadong damage. Pagkatapos po ng lindol, nagpaikot agad ng response team ang MDRRMO, chineck iyong mga school, iyong mga estudyante,” dagdag pa niya.