Region

822 BRGYS NA WALANG NPA TATAYUAN NG CLASSROOMS

/ 7 March 2021

BAHAGI ng P20-M projects na inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 822 barangays na naitaboy ang New People’s Army ang pagsusulong sa edukasyon ng mga kabataan.

Noong Biyernes ay nagtungo si Pangulong Duterte sa Cagayan de Oro City upang pormal na ianunsiyo na nasimulan na ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang pamamahagi ng P20-M halaga ng proyekto sa 822 barangays na nakapagtaboy ng mga rebelde at nakapaghimok na magbalik-loob ang mga ito.

Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na ngayong malaya na sa rebelde ang naturang mga barangay ay uusbong na ang kaunlaran.

Kasabay nito ay patuloy niyang pinaalalahanan ang mga magulang na gabayan ang mga anak na nag-aaral upang hindi mahimok ng mga rebelde.

“We have 822 barangays under NPA influence cleared from 2016 to 2019. One hundred nineteen of these are in Region 10, iyong mga barangay captain, they are here to symbolically receive the aid,” ayon kay Esperon.

Bukod sa pagpapagawa ng classroom, ang mga proyekto na laan sa  nabanggit na mga barangay ay ang pagkakaroon ng farm-to-market roads, electricity, health station, water system at  irrigation, ayon kay Esperon.