76 PRIVATE SCHOOLS NAGSARA
MAY 76 pribadong eskwelahan sa Western Visayas ang nagsara ngayong school year, batay sa datos ng Department of Education regional office.
MAY 76 pribadong eskwelahan sa Western Visayas ang nagsara ngayong school year, batay sa datos ng Department of Education regional office.
Ang mababang bilang ng mga enrollee at problema sa pananalapi ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagsasara.
Ayon kay Hernani Escullar, Regional Information Officer ng DepEd Western Visayas, sa 76 paaralan, 59 ang pansamantalang nagsara habang 17 ang permanenteng nagsara.
Nasa 10 ang nagsara sa Iloilo province; tig-siyam sa Guimaras, Antique at Silay City; tig-pito sa Capiz at Negros Occidental; tig-anim sa Aklan at Bacolod City; apat sa San Carlos City; tatlo sa Passi City; dalawa sa Sagay City at tig-iisa sa Iloilo City, Bago City, Cadiz City at Kabankakan City.
Sinabi ng DepEd-Western Visayas na handa ang mga pampublikong paaralan na tumanggap ng mga estudyante mula sa mga nagsarang paaralan.
Nagsimula na ang face-to-face classes noong nakaraang linggo matapos ang mahigit dalawang taong distance learning dahil sa Covid19 pandemic.