Region

6 KABATAANG NAMUNDOK BALIK-ESKUWELA

/ 25 June 2021

ISINASAILALIM na sa debriefing ang anim na kabataan na dating supporter ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front na sumuko sa 98th Infantry Battalion, Philippine Army sa Sitio Nursery, Barangay Disulap, San Mariano Isabela.

Isinuko rin ng mga namundok na kabataan ang kanilang mga armas na tanda na hindi na makikibaka.

Ang mga ito ay nasa edad 18 hanggang 23.

Tatlo sa kanila ay naka-enroll online, habang ang tatlo pa ay huminto sa pag-aaral nang mamundok kasama ang mga rebelde.

Sa kanilang pagbabalik-loob sa pamahaalaan, ang tatlong dropout ay aasikasuhin ang pagbabalik sa eskuwela.

Itinuro rin nila ang kinalalagyan ng mga pampasabog at mga bala na agad namang pinuntahan ng mga sundalo at nahukay ang nasa 205 na piraso ng rifle grenades at 48 na mga bala ng M1 Garand Rifle.

Kabilang sa itinuro ng mga kabataang sumuko ang 134 piraso ng flyers ng Danggayan Dagiti Mannalon-Cagayan Valley, maging ang ilan pang mga pulyetos at libro na naglalaman ng mga aral kaugnay sa rebolusyonaryong pakikibaka.