6 BANGSAMORO STUDENTS TUMANGGAP NG SCIENCE & TECHNOLOGY SCHOLARSHIP
ANIM na kabataang mag-aaral ang napabilang sa Bangsamoro Assistance for Science Education Program ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kasabay ng pagdiriwang ng ikalawang taong pagkakatatag ng rehiyon noong Enero 30.
Sila ay sina Kashmir Asikin (BS Environmental Engineering, Western Mindanao State University), Nor Yasmin Salain (BS Nursing, Basilan State College), Hamoudie Akanul (BS Nursing, BASC), Al-Ghazee Angulo (BS Nursing, BASC), Nuerava Abubakar (BS Mathematics, BASC), at Nadsmia A Aahang (BS Mathematics, BASC).
Nanumpa ang mga mag-aaral na magtatapos ng kursong kanilang pinili habang sila’y pinag-aaral ng pamahalaan. Gayundin, sila’y magbabalik ng serbisyo sa ganang komunidad para mas maraming kabataan pa ang makatulong sa pagpapaunlad ng lahing Bangsamoro.
P8,000 buwanang stipend ang kanilang matatanggap taon-taon hanggang makatapos ng kolehiyo. Ito’y nasa P40,000 na halaga kada semestre o hindi bababa sa P320,000 habang nag-aaral.
Ayon kay BARMM Ministry of Science and Technology Director Omar Marzoc, 84 na mag-aaral ang kumuha ng pagsusulit para sa BASE noong Oktubre 2020 pero anim lamang ang nakapasa.
Sinasalang mabuti ng MOST ang mga magiging bahagi ng BASE dahil ito ang pinakaprestihiyosong scholarship program para sa mga mag-aaral na nagpakita ng angking husay sa agham at teknolohiya.
Gayundin, ito ang unang taong pagrolyo ng naturang iskolarsyip.
Magpapatuloy ang pagtulong ng MOST sa mga kabataang Bangsamoro sa mga susunod na taon. Tiniyak ni Marzoc na madaragdag pa ang anim na mag-aaral kada akademikong taon.