Region

52 ISKUL SA REGION 2 PASADO SA F2F CLASSES

/ 12 March 2021

NASA 52 paaralan sa Region 2 ang inirekomenda ng Department of Education para magsagawa ng face-to-face classes.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng 23 eskuwelahan sa Batanes, siyam sa lungsod ng Cauayan, apat sa Ilagan, anim sa Isabela, apat sa Nueva Vizcaya at anim naman sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay DepEd Region 2 Head of Public Affairs Unit Amir Mateo Aquino, bago pa binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan niyang magsagawa ng dry run ng face-to-face classes sa mga low-risk area ay naisumite na ang pangalan ng mga eskuwelahan sa lambak na nakatugon sa criteria at requirements na kinakailangan para sa face-to-face classes.

Dagdag niya, handa ang DepEd sa face-to-face classes sa oras na payagan na ito ng Pangulo.

Samantala, wala pang inirekomenda sa mga lalawigan ng Quirino at Tuguegarao City dahil karamihan sa mga paaralan sa lungsod ay nagisisilbing Covid19 isolation at quarantine facilities.