Region

5 KLASRUM SA ZAMBOANGA DEL SUR NASUNOG

/ 1 March 2024

NASA limang silid-aralan sa Parasan National High School sa bayan ng Molave sa Zamboanga del Sur ang nasunog, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Sinabi ng hepe ng BFP na si Senior Inspector Robert Soyum na aabot sa P3.7 milyon ang kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.

Lumalabas sa imbestigasyon ng BFP na sumiklab ang sunog bandang alas-1:42 ng madaling araw noong Pebrero 28 at naapula dakong alas-3:15 ng madaling araw.

Hindi pa naitatala ng BFP ang mga pasilidad at kagamitan na nawala sa sunog.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog.