457 COLLEGE STUDENTS SA SAN FERNANDO, PAMPANGA NABAKUNAHAN NA VS COVID19
MAHIGIT 400 college students sa San Fernando, Pampanga ang nabakunahan na kontra Covid19.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Fernando, ito ay sa pakikipagtulungan ng Commission on Higher Education.
Nasa 457 ang bilang ng mga estudyanteng nabakunahan, kabilang ang mga learner ng Our Lady of Fatima University sa ilalim ng “Padyak! Para sa Flexible Learning, Sama-Samang Vaccination Program.”
“The approach of CHED is not to require it, it is to convince and incentivize vaccination. It is easier for this batch now because there are available vaccines. There should be no reason why students can’t get vaccinated. But is it a required mandate? It is not, but we encourage them,” nakasaad sa post ng city local government.
Isa ang OLFU sa mga nakatanggap ng certification para magbukas ng face-to-face classes sa medical programs.
Nagsumite rin ng dokumento ang OLFU para sa pagbubukas ng in-person classes sa engineering at technology, hotel and restaurant management, tourism, marine engineering, at marine transportation programs.