403 ISKUL SA CENTRAL LUZON NAGSASAGAWA NG BLENDED LEARNING
MAY 403 eskwelahan sa Central Luzon ang nagpapatupad ng blended learning modality dahil sa mainit na panahon, ayon sa Department of Education.
Pinahintulutan ng DepEd ang punong-guro ng mga paaralan na ipag-utos ang pagsuspinde sa face-to-face classes dahil sa pangyayari.
Gayunman, sinabi ni DepEd Central Luzon Regional spokesman Michelle Lacson na ang suspensiyon ng face-to-face classes ay case-to-case basis.
“As the school head, you should weigh the learning and the safety of the students. You are always accountable for the welfare of your learners,” sabi ni Lacson.
Maaaring isagawa ang online o modular distance learning arrangement upang matiyak na ang pag-aaral ng mga estudyante ay nananatiling pare-pareho sa iskedyul ng taon ng paaralan