40 COLLEGE GRADS SA BENGUET BINIGYAN NG TRABAHO NG DOLE
MAY 40 college graduates sa Benguet ang binigyan ng pansamantalang trabaho ng Department of Labor and Employment.
Ito ay sa ilalim ng Government Internship Program ng DOLE kung saan magkakaroon ng karanasan ang mga intern ng aktuwal na trabaho at makatanggap ng suweldo.
Ayon kay Benguet Rep. Eric Yap, makatatanggap ng P350 kada araw ang mga intern.
“The government’s program allows fresh graduate students to obtain an experience right at their places so that they do not have to move to other places or go to Metro Manila to obtain a work experience,” sabi ni Yap.
Dagdag ni Yap, kailangan ang mga batang empleyado, lalo na sa panahon ng pandemya.
“We need energetic young blood who are passionate especially at this time of pandemic when they can be utilized in government offices while also giving them a job experience and a salary prescribed in the area under the law,” dagdag ni Yap.