Region

36 HS STUDENTS NAKALANGHAP NG ASUPRE MULA SA TAAL VOLCANO, ISINUGOD SA OSPITAL

/ 9 September 2023

SINUSPINDE ng Batangas Provincial Risk Reduction Management Office ang klase sa iba’t ibang paaralan malapit sa Taal Volcano dahil sa makapal na volcanic smog.

Sa datos, bago magtanghali kahapon, isinugod sa rural health unit ang 36 estudyante mula sa Bayorbor National High School at Bayorbor Senior High School sa Mataasnakahoy makaaang manakit ang dibdib at mahirapang huminga, at mahilo dahil sa volcanic smog.

Ilan sa mga biktima ay dumanas din ng pananakit ng sikmura, panghihina at halos matumba.

Sinabi ni Mataasnakahoy Vice Mayor Jay Ilagan na habang isinusulat ang balitang ito, isang mag-aaral na lamang ang nasa ospital para sa treatment at monitoring.

Nabatid na simula noong Miyerkoles ay nakatanggap na sila ng ulat na nagbubuga ng asupre ang bulkan.

Ang Taal Volcano ay nananaitling nasa alert level 1 na ibig sabihin ay posible ang potential steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, thin ashfalls, at pagbuga ng poisonous gas mula sa bulkan.