Region

350 BAGONG KADETE NANUMPA

/ 17 June 2021

KABUUANG 350 Philippine Military Academy entrance examinees ang nakapasa sa premier military institution ng bansa.

Ang mga naturan ay kabilang sa oath-taking ceremony noong Hunyo 14 sa pFort Del Pilar sa PMA sa Baguio City.

Makaraan ang panunumpa sa harap nina PMA Superintendent, Lt. Gen. Ferdinand Cartujano at Commandant of Cadets, BGen. Romeo Brawner Jr. ay isinagawa naman ang Reception Rites sa Borromeo Field.

“The reception rites mark the beginning of their cadetship,” ayon sa PMA.

Ang 350 successful candidates ay kinabibilangan ng 280 lalaki at 70 babae.

Tatawagin silang 4th class cadet o plebo na kung matatapos ang apat na taong pag-aaral sa akademya ay miyembo na sila ng PMA Class of 2025.

Pinayuhan naman sila nina Cartujano at Brawner na pagbutihin ang pag-aaral at pagsasanay, gayundin ang pagkikintal sa sarili ng mga disiplinang matututunan sa akademya.

Para naman sa mga nais makapasok sa PMA, dapat anilang tanggapin ang hamon ng institusyon na maging disiplinado, tapat at makabayan.