33 TECH VOC SCHOOLS SA SOCCSKSARGEN TUMATANGGAP NA NG ENROLLEES
HANDA nang magbukas ang 33 paaralang technical-vocational sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon XII – South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani at General Santos City kahit na limitado lamang ang galaw at dumarami pa ang kaso ng Covid19 sa buong Filipinas.
Ayon kay Technical Education and Skills Development Authority Region XII Director Rafael Abrogar II, tumatanggap na sila ng mga mag-aaral na nais magsanay sa iba’t ibang programang itinataguyod ng TESDA. Mayroon ding laang scholarship slots sa mga kapus-palad pero may matinding pagnanais na matuto.
Siniguro ni Abrogar na mahigpit na susuriin ng TESDA ang health protocols ng Inter- Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at Department of Health upang maiwasan ang hawahan ng virus habang may face-to-face interaction ang mga mag-aaral at mga instruktor sa hands-on trainings.
Sa ngayon, agriculture, constructions, cookery, dressmaking, driving, at tourism ang mga programang maaaring enrolan ng mga taga-SOCCSKSARGEN. Patuloy naman itong idedebelop nang sa gayo’y madagdagan ang program offering sa mga susunod na buwan.
Narito ang mga paaralang maaaring bisitahin:
- ADC Institute of Technology, Inc.
- ADMS Institute Academy, Inc.
- Castillo Technological Development Academy, Inc.
- Envirogreen Village Educational Foundation, Inc.
- GBS III Agro Farms
- General Santos National School of Arts and Trades
- Gensan College of Technology, Inc.
- Gensan Security Training Institute, Inc.
- Gensan Security Training Institute, Inc. (formerly: Gensan Security Academy, Inc.)
- Gerardo’s School of Culinary Arts and Cake Decorating, Inc.
- Graciano Institute Academy, Inc.
- Isulan Institute of Technology and Assessment Center, Inc.
- Koronadal Christian Ivy School, Inc.
- Liceo Excelsis Global, Inc.
- Marbel School of Science and Technology, Inc.
- Mindanao Polytechnic College, Inc.
- Mindanao Polytechnic College, Inc.
- New Brighton School of the Philippines, Inc.
- Nimer Educational Institute and Technology, Inc.
- Notre Dame – Sienna College of General Santos City
- Notre Dame of Dadiangas University, Inc.
- Ramon Magsaysay Memorial College, Inc.
- Raphael Alessandri Foundation Academy
- Roel Balbarono Ardiente College, Inc.
- Skills Solution Training and Assessment Center, Inc.
- South Asiatech College, Inc.
- South Cotabato Security Training Center, Inc,
- St. Alexius College, Inc.
- St. Margareth Technical Vocatonal Education and Training Center, Inc. 30. Sta. Cruz Technical and Vocational School, Inc.
- STI College-Gen. Santos, Inc. (Formerly: Gensan Technology, Inc.) 32. TESDA Training Center – General Santos City
- United Talent Academy Inc.
Prayoridad sa iskorlarsyip yaong mga nawalan o nangangailangan ng trabaho bunsod ng epekto ng Covid19.