Region

3 ISKUL SA LEYTE KAPOS SA PONDO PARA SA F2F CLASSES

/ 2 November 2021

TATLONG pampublikong paaralan sa Leyte ang kulang ang pondo para sa pliot run ng limited face-to-face classes, ayon sa Department of Education.

Sinabi ni Marvin Nicer, DepEd Division of Leyte Disaster Risk Reduction Management coordinator, na handa na ang tatlong naturang eskuwelahan sa pagsisimula ng in-person classes sa Nobyembre15 subalit may problema ang mga ito sa budyet.

Kabilang ang Palo I Central School sa Palo, at ang Bato Central School at Dolho Elementary School sa Bato sa mga paaralang inaprubahan na magsagawa ng face-to-face classes.

“For schools lacking Covid19 supplies like air purifiers, thermal scanners, or masks, we provide technical assistance on how they can source a fund,” sabi ni Nicer.

“In fact, the division already provided them disinfectant sprayers and solutionism,” dagdag pa niya.

Aniya, nakakakuha ang mga eskuwelahan ng maintenance and other operating expenses budget allocation mula sa mga stakeholder ng DepEd.